Registration

KABALAT, TARA SAMA KA! | Episode 92 | Weekends With PsorPhil

Ngayong buwan ng Agosto, ang PsorPhil ay nakikiisa sa selebrasyon ng Buwan Ng Wika na may tema ngayong taon 2021 na - "Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pagiisip ng mga Pilipino".

Napakahalaga ng komunikasyon o pakikipagtalastasan kaya naman malaki na ang naibahagi sa ating buhay ng Weekends With PsorPhil. Dahil sa programang ito, kahit sa likod ng pandemya ay di naputol ang ating ugnayan. Naipararating naming ng buong puso ang mga ibat-ibang mahahalagang impormasyon, talakayan at mga ginagawa ng Psoriasis Philippines o PsorPhil para sa ating mga kabalat.

Patuloy ang aming pagmamalasakit at paggabay sa bawat isa. Napakalaki ng ating pangarap na matulungan ang lahat. Kaya ngayon ang hamon, “Kabalat, Tara Sama Ka!”. Sana ay kasama ka sa paglalayag ng ating minimithing tagumpay at suportahan ang lahat ng ginagawa ng ating minamahal na grupo - ang PsorPhil.

Bilang handog, ay malugod naming pinapakilala ang isa nating panauhin na si - Maestro Anthony Cruz. Sya ay isang guro, direktor at isang myembro ng isang komisyon na nagpapahalaga sa kulturang Pilipino. Likas na sating Pilipino ang bayanihan at pagmamahal sa ating kultura kaya tumutok at makinig upang matuto tayo sa pagpapahalaga sa ating wika, sining at sa ating kinabibilangan komunidad.

Ang Weekends With PsorPhil ay matutunghayan ng ika-walo ng gabi tuwing Biyernes, Sabo at Linggo at mapapanuod sa mga sumusunod
Facebook Page (https://www.facebook.com/PsorPhilippi...)
YouTube Page (PsorPhil Channel https://www.youtube.com/user/PsorLife...)

#wwpBuwanNgWika #wwpKabalatSamaAko
#BuwanNgWika #BuwanNgWika2021 #WikangFilipino
#psoriasis #psoriaticdisease #psoriaticarthritis #psoriasiswarrior #psoriasisawareness
#WeArePsorPhil #WeekendsWithPsorPhil #WWP

Read 1335 times Last modified on Thursday, 30 September 2021 08:04
Psoriasis Philippines (PsorPhil) is the ONLY FILIPINO group recognized by the International Federation of Psoriasis Association and the International Psoriasis Network. Psorphil is a founding member of PsorAsia+Pacific.
 
Psorphil Secretariat 
• Mandaluyong, Philippines
• +932 8926928
• info@psorphil.org